Ano ang Kinaadman?
Ang Kinaadman ay isang koleksiyon ng mga materyal pang turo tungkol sa paggamit ng iba't ibang Hatirang Panmadla at Online Services na madalas gamitin ng mga kabataang Pilipino tulad ng Facebook, Instagram, TikTok, X, YouTube, at Google.
Hatid nina:
Brinquis, Rosmine
Fernando, Alyzza Nicole
Gagni, Flloyd Nathaniel
Piedad, Francis Giovani
Hernandez, Nelliah
Tingson, Ezekiel
Layunin ng Kinaadman?
"Pagsulong ng Wikang atin sa Hatirang Pangmadla"
Sa paglaganap ng paggamit ng internet at smartphones lalo na sa kabataan, ang iba't ibang social media platforms at online services ang pangunahing puntahan ng mga Pilipino upang maglibang, makipag-usap, mangalap at magpalaganap ng impormasyon. Ngunit, ating mapapansin na ang mga artikulo ay kadalasang gumagamit ng wikang Ingles.
Nais ng Kinaadman na magbigay ng mga materyales pang turo o tutorials gamit ang wikang Filipino bilang paraan upang magbigay linaw at magpalaganap ng impormasyon sa mga bagay na kadalasang nasa wikang Ingles lalo na pagdating sa paggamit ng mga serbisyong ito.